Quotation of the Day

Saturday, May 8, 2010

ISANG REPLEKSYON TUNGKOL SA HALALAN 2010

ISANG REPLEKSYON:

Bukas simula na upang maghalal ng bagong pangulo, makalipas ang ilang buwan na kampanya... sino ba ang dapat na maging pangulo? Sa simula wala akong gustong iboto. Batay sa mga survey na ginawa ng SWS, Pulse Asia atbp...si Noynoy ang nangunguna...ngunit ang tinatong lang naman ay 2,500? sapat na ba itong kumatawan sa 50.7 milyon na botanteng Pilipino? ang tanong ko lang bakit ba mahalaga ang survey? Dahil nga dito ang number 1 at 2 ay walang ginawa kundi magbatuhan ng kanilang mga putik sa isa't isa, di ba dapat ang kanilang plataporma ang kanilang ibinibida sa mga tao? hay.....nakakainis...kapag nanood ka ng TV lahat halos ng commercial sa ABS at GMA ay panay campaign ad ni Noynoy...paulit-ulit...sabi nya panalo na sya...bakit kailangan nya ng maraming commercial? Dumami ba ang kanyang sponsors dahil "unbeatable" siya sa survey? Paano na yan kapag pangulo na sya, ano ang kapalit nun? Isa pang nakakatawang pangyayari sa eleksyon sa ating bansa ay ang mga endorsement ng mga sugo ng DIYOS....Ang gulo sobra, alam ko isa lang ang DIYOS pero sa panahon ng eleksyon ang dami yata.... sige sabihin na nating ISA... pero mukhang balingbing naman.... Sabi sa ikalawang utos, Do not use the name of the LORD in vain..... bakit sinasabi nila na ang gusto ng DIYOS na manalo ay si........ Hay, wala bang kakayahang mag-isip at magdesisyon ang isang Pilipino kung sino ang iboboto nya? Isa lang ang alam ko, ang DIYOS ay gumagalang sa "free will" ng kanyang nilikha.. Hindi nya kasi nilikhang ROBOT ang tao na maging sunud-sunuran sa kanya. Pwede pa siguro kung ang mga lider o sugo ng DIYOS ay magbigay ng "qualifications" ng dapat nilang iboto....pero ang sabihin dapat si ganito ang iboto..... ibang usapan na yun.....

Sa kabilang dako, bakit lagi na lang ginagamit sa eleksyon ang isyu ng kurapsyon? Ilang pangulo na ang nangako na tatanggalin ito? at lahat sila nabigo. (kahit na yung nanay ni Noynoy ay nabigo, ang nagawa lang nya ay ibalik ang demokrasya...kahit nga ang pamamahagi ng lupa sa hacienda Luisita ndi nya nagawa... hanggang sa namatay sya.) Yun lang ba ang nag-iisang isyu na nagpapahirap sa atin? Sige nga, ano ang sinabi nyang gagawin nya upang matanggal ang korupsyon? mayroon ba? sabihin na nating paparusahan nya lahat ng mga korupt na opisyales ng pamahalaan... baka magulat sya pati sya matanggal at maparusahan sa bandang huli... Ang korupsyon ay hindi lang pagnanakaw ng salapi o pondo ng pamahalaan....marami itong mukha...hindi ba korupsyon din matatawag ang proteksyunan mo ang pagmamay-ari ng iyong angkan...at magwalang kibo sa pakikibaka ng mga abang magsasaka na magkaroon ng sariling lupa, dahil hindi naman makatao ang magsaka sa isang araw na 9.50 lang ang sweldo at bansagang "Pretty Spoiled". Hindi isyu sa eleksyon ang apleyido at magulang, dahil hindi naman magulang mo ang magpapatakbo ng pamahalaan...lalo na kung patay na sila...

Sa isyu naman ng paggastos, hindi ba nakakatakot na may isang kandidatong gumastos ng malaki sa eleksyon? Hindi katakataka na kapag nanalo siya hindi nya bawiin ang kanyang nagastos? Kung talagang gusto mong makatulong sa pag-unlad ng bansa siguro mas maganda kung inilaan mo na lang yan sa paglikha ng mga trabaho at scholarship sa mga mahihirap na Pilipino. Isa pang nakakatawa sa eleksyon na ito ay ang muling pagtakbo ng isang convicted na dating pangulo, hindi pa ba sapat ang tatlong taon na pagiging pangulo po ninyo? Pero sa isang panayam sa kanya, kung sakaling hindi siya tatakbo ngayong 2010 ang iboboto daw niya ay si G1BO.. hindi naman daw kasalan nung tao na maging kandidato siya ng adminstrasyon ( sabagay hindi naman siya handpicked ni GMA para maging kandidato ng LAKAS-KAMPI) sa kanyang pananaw si G1BO lang daw ang may malinaw na plataporma sa pagpapatakbo ng pamahalaan. Isang malaking dagok kay G1BO ang maging kandidato ng administrasyon...syempre hindi mawawala ang agam-agam na sya ay tuta ni GMA pero kahit ibato pa sa kanya nang harapan ang tanong na iyon, hindi nya ito iniwasan na sagutin...hindi nya na saklaw ang pag-unawa ng mga tao kung tama o mali ang sagot nya... Bilang pangulo....wala siyang kapangyarihang magpakulong at magbigay ng hatol... dahil ito ay nasa kamay ng Hukuman.. Kung ang ibang kandidato ay nagsasabi na ipapakulong si GMA kapag sila ang naging pangulo, parang imposible yun..dahil labag yun sa batas. Sana maging matalino ang mga Pilipino bukas... sana ang piliin nila ay hindi hambog na kapag hindi nanalo ay ang unang iniisip ay dinaya siya at agad na magpapatawag ng tao sa lansangan upang magrebolusyon... at sana huwag lang tayo tumungo sa daang matuwid na walang patutunguan...piliin natin ang daan na kahit makipot at hindi tuwid ay tiyak na patungo sa kaunlaran.... dahil walang madali sa mundo... kahit nga ang daan sa kaligtasan ay makipot. (Matthew 7:13-14) Sama-sama nating ipagdasal ang isang malinis at walang karahasang halalan bukas... at nawa ang tunay na kagustuhan ng bawat Pilipino ang manaig at hindi ang kagustuhan ng iilan lamang. At matuto nawa ang mga pulitiko na tanggapin ang pagkatalo at makipagtulungan sa ikakaunlad ng ating bayan....dahil sa bandang huli lahat tayo pagkatapos ng halalan ay PILIPINO kahit dilaw (yellow), kahel (orange), pula (red), at luntian (green) ang naging kulay.

1 comment:

Daniel a.k.a. KING LEONIDAS a.k.a. Mr. Wacko, of TATERS :D said...

nice post sir :D

Si Noynoy naman po talaga ang mananalo. Note that I said "ang mananalo", not "ang dapat manalo" (kasi wala pa naman po talaga siyang sapat na experience). Para kasing may mentalidad ang majority* ng mga Pilipino na matangay sa 'hype'; kung baga, dahil lang namatay ang magulang niya, naawa ang mga Pilipino sa kanya at lumaki ang hype sa kanya nung inannounce niya na mangangandidato sya.

*and, as we all know, MAJORITY wins :P